PAGLALAKBAY SA EUROPA NI DR. JOSE RIZAL (COMPLETE)
PAGLALAKBAY SA EUROPA
Mayo 1, 1882-umalis ng Calamba dala ang halagang P356, lumipat ng sasakyan pagdating ng Biñan, nakarating sa Maynila pagkaraan ng 10 oras ng paglalakbay.
Mayo 3, 1882-Nilisan ang Maynila patungong Singapore sakay ng Bapor Salvadora
Mayo 9, 1882-dumating sa Singapore, tumuloy sa otel La Paz
Mayo 11, 1882-sumakay sa Djemnah (bapor Pranses) patungong Marseilles (France), dinaanan ang Point de Galle, Colombo, Cafe' Guardafui, Aden, tinawid ang Suez Canal ng 5 araw
Hunyo 7, 1882-dumaong sa Port Said, pinuntahan ang Liwasang Lesseps
Hunyo 11, 1882-dumating sa Naples at Sicily, naghulog ng sulat sa bayan ng Mellitus, nakita ang St. Telmo (bilangguan) at Tore ng Mansanello (palasyo royal)
Hunyo 13, 1882-dumaong sa Marseilles, tumira sa Otel Noaillees, nagpunta sa Chateau d'If (pook na kinabibilangguan ng pangunahing tauhan ng nobelang Count of Monte Cristo)
Hunyo 15, 1882-lumulan sa isang de primerang klaseng tren, huminto sandali sa Port Bou at nagpatuloy sa Barcelona
BUHAY SA BARCELONA
Tumuloy sa Fonda de España, hinandugan ng salu-salo ng mga dating kaeskwela sa Ateneo, sinulat ang El Amor Patrio, isang tula upang bigyang-daan ang kanyang kasabikan sa sariling bayan na ibinigay kay Basilio Teodoro, kasapi ng patnugutan ng Diariong Tagalog na kanilang inilathala noong Agosto 20 sa ilalim ng ngalan sa panulat na Laong-Laan sa 2 wika-Kastila at Tagalog (salin ni Marcelo H. del Pilar)
Setyembre (kalagitnaan)-nagtungo sa Madrid at nagpatala sa Central Universidad de Madrid sa kursong Medisina at Filosofia y Letras (unang Linggo ng Oktubre)
Nag-aral ng eskultura at pagpipinta sa Academia ng San Fernando at nagsanay sa Hall of Arms of Sanz y Carbonell sa pagpapalusog ng katawan.
Nagpasyang pag-aralang lubusan ang iba't ibang partido pulitikal ng Spain.
Natatag ang Circulo Hispano-Filipino sa pangunguna ng Kastila-Pilipinong si Don Juan Atayde na di katagala'y nagsara rin dahil sa kakulangan ng pondo sanhi ng pagwawalang-bahala ng mga kasapi
Sinulat ang Me piden Versos-tulang nagpapahayag ng masidhing pananabik ni Rizal sa kanyang bayan (nalathala sa La Solidaridad sa Barcelona noong Marso 31, 1889)
Nakapagtatag ng sariling aklatan kung saan kabilang ang Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe at The Wandering Jew ni Eugene Sue-mga akdang nagtanim sa kanyang isipan ng pagkaawa sa mga tauhan dahil sa kanilang kaapihan
Hunyo 17,1883-pinalipas ang bakasyon sa Paris, pinuntahan ang mahahalagang pook tulad ng Champ Elysees, Colonne Vendome (kinalalagyan ng estatwa ni Napoleon I), Opera House, Place de la Concorde, Simbahan ni Magdalen, Simbahan ng Notre Dame at Museo de Louvre-lumang palasyo ni Francis I, pinakamahalagang gusali na pinagdarausan ng mga dula't kababalaghan ng mga Valvis, Medicis at Sorbon
Napansin ang mga palikuran sa lansangan (Gabinet d'Aisence)
Unang linggo ng Setyembre, 1883-nagbalik sa Madrid upang ipagpatuloy ang pag-aaral
Pormal na sumapi sa Lohiya Acasia gamit ang pangalang pangmason na Dimasalang
Hunyo 21, 1884-nakapasa sa titulong Doktor ng Medisina
Hunyo 25, 1884-nagsalu-salo sa Restaurant Ingles dahil sa pagkapanalo ng mga pinta nina Juan Luna (Spolarium-unang gantimpala) at Felix Resurreccion Hidalgo (Christian Virgins Exposed to the Populace-ikalawang gantimpala) sa Pambansang Eksposisyon ng Bellas Artes. Napili si Rizal bilang pangunahing mananalumpati
Sinulat ang kalahating bahagi ng Noli Me Tangere
Humanga kay Consuelo Ortiga y Perez, anak ni Don Pablo Ortiga y Rey (dating alkalde ng Maynila noong panahon ni dela torre) ngunit pinigil sapagkat alam niyang gusto rin siya ni Eduardo de Lete kayat sinulat ang tulang A La Señorite C.O. y R.
Sumapi sa Masonerya-samahang ipinagbabawal ng Simbahang Katoliko na naglalayong palawakin ang pandaigdigang kapatiran ng tao sa ilalim ng pagkaama ng Diyos, dahil sa pagtitiwala niya sa layunin ng samahan at paniniwalang makakuha ng kasama sa pakikipaglaban sa masasamang pari sa Pilipinas. (Nobyembre 15, 1890-naging Master Mason ng Lohiya Solidaridad at Pebrero 15,
1892-sumapi sa Le Grand Orient France)
Tatlong buwang hindi tumanggap ng padalang salapi mula kay Paciano dahil sa salot at kalamidad. Ipinagbili ni Paciano ang kanyang kabayong si Csataño sa halagang P200. Nanghiram kay Valentin Ventura upang ipambayad sa Lisensyado sa Pilosopiya at Letras
BUHAY SA PARIS
Hulyo 1885-nagtungo sa Paris upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa Optalmolohiya
Unang Linggo ng Oktubre-nagpatala bilang okulista sa klinika ni Dr. Louis de Wecker-kilalang optalmologong Pranses
Kapag walang ginagawa, dumadalaw kina Luna at Hidalgo at nagsisilbing modelo ni Luna. Sa pintang Ang Kamatayan ni Cleopatra, siya ang paring taga-Ehipto at Sikatuna sa Sanduguan.
Naging abala sa pag-aaral ng Aleman, Pranses, Italyano, Polish at Griyego
Tinapos ang ikatlong-kapat na bahagi ng Noli.
Pebrero 1, 1886-umalis sa Paris upang magtungo sa Heidelberg
BUHAY SA HEIDELBERG
Pebrero 3, 1886-dumating sa Heidelberg-isa sa makasaysayang lungsod sa Alemanya, sentro ng karunungan dahil sa pinakamatandang pamantasang itinayo ng Elector na si Ruperto I (1386) at pangunahing pook ng Repormasyong Protestante. Lungsod din ng serbesa.
Nagtrabaho sa klinika ni Dr. Javier Galezonski (Polish)-dalubhasa sa sakit sa mata
Naglingkod bilang katulong sa paggagamot sa Augen Klinik-klinika sa mata ng okulistang si Dr. Otto Becker
(Pagpapatuloy: Buhay sa Berlin)
Abril 27, 1887-ibinalita kay Paciano ang pagtanggap ng Php 1000, biayaran ang pagkakautang kay Viola, nagpaalam sa mga kaibigan at nagbalita ng kanyang balak na bumalik sa Pilipinas
Mayo 11, 1887-iniwan ang Berlin patungong Dresden at Leitzmeritz
Mayo 13, 1887-nakipagkita kay Blumentritt, ipinakilala kina Sr. Jose Kromholz (pangulo ng Leitzmeritz Tourist Club), Dr. Karl Czepelak (paralitikong manggagamot) at Robert Klutzchak
Mayo 17, 1887-nagtungo sa Prague, nakilala si Dr. Willkomm-propesor sa kasaysayan sa kalikasan sa Unib. ng Prague
Mayo 27, 1887-nagtungo sa Vienna, nakipagkita kina Sr. Masner, Nordman at Norfenfals, mga kilalang iskolar at nobelista ng Austria
Mayo 24, 1887-nagbigay ng panayam kay G. Adler (reporter ng pahayagang Extra-Blatt) tungkol sa tunay na kalagayan ng Pilipinas
Mayo 25-31, 1887-nagtungo sa Lintz, Salzburg, Munchen, Nuremberg (isa sa matandang lungsod ng Aleman), Ulm, Stuttgart, Baden Rheinfall (dinalaw ang Rin waterfalls-pinakamagandang talon sa buong Europa), Schaffhausen
Hunyo 4, 1887-nagtungo ng Bern, Lousanne, Geneva, inbinalita kay Blumentritt ang pasyang bumalik sa Pilipinas
Hunyo 23, 1887-dumaan ng Turin, Milan, Venice at Florence bago nagtuloy sa Roma-lungsod ng Vaticano. Tinungo ang Capitolium, Tanpeian Rock, Palatium, Forum Romanorum, Ampitheatre
Hunyo 27, 1887-nagtungo sa Marseilles, nagsimulang maglakbay pauwi ng Pilipinas. Sa kabila ng pagpigil nina Paciano, Silvestre Ubaldo at Jose Cecilio dahil sa kaguluhang nilikha ng Noli, ngunit buo na ang pasya upang
1. tistisin ang mata ng ina
2. alamin ang katotohanan tungkol sa ligalig na nilikha ng Noli
3. alamin ang dahilan ng panlalamig at katahimikan ni Leonor Rivera
4. tulungan ang mga kababayan
Hunyo 29, 1887-nagpadala ng postcard sa mga magulang upang ibalita ang pagdating sa Pilipinas
Hulyo 3, 1887-mula sa Marseilles lumulan ng Djemnah pabalik sa Pilipinas
Hulyo 30, 1887-nakarating sa Saigon, lumipat ng bapor Haiphong patungong Maynila
Agosto 5, 1887-dumating sa Maynila, lumulan ng Bapor Binyang, lumipat ng Bapor Bakal
Agosto 8, 1887-dumating ng Calamba
SA PILIPINAS
-tinistis ang mata ng ina (sa loob ng isang buwan, nagbali ang paningin ng ina-unang pagtitistis na ginanap sa Pilipinas at nagbigay ng pangalan at katanyagan kay Rizal bilang manggagamot
-ipinatawag ni Gob. Hen. Emilio Terrero y Perinat upang alamin ang katotohanan tungkol sa subersibong kaisipan ng Noli
-itinalaga bilang tanod ni Rizal si Don Jose Taviel de Andrade
Nagpadala ng isang sipi ng Noli si P. Pedro Payo (Arsobispo ng Maynila) kay P. Gregorio Echavarria (Rector ng UST) upang suriin
Bumuo ng komiteng susuri sa aklat: P. Matias Gomez, Norberto del Prado, Fernandez Arias
Hatol sa Noli: Heretiko, lapastangan, isakandaloso sa punto ng relihiyon, laban sa pgkamakabayan, subersibo, laban sa kapayapaan, nakasisira sa pamahalaan ng Kastila at sa gawain nito sa Pilipinas sa puntong pulitikal
Ipinadala ng Gob. Hen. ang ulat ng komite matapos basahin sa Palagiang Komisyon ng Sensura na binubuo ng mga pari at karaniwang mamamayan sa pamumuno ni P. Salvador Font (Agustino, kura ng Tondo)
Salamat po! :)
ReplyDeleteits my pleasure to share things :)
Delete